Biyernes, Hunyo 24, 2011

Ang Kalayaan

Sobra akong nasasaktan, sobra sobra na ang aking paghihirap.
 para lang sa mga mahal ko sa buhay. sobra akong malungkot kapag ang pinag hihirapan ko ay sa wala napupunta. katulad ng pag papasaya ko sa lahat ng tao na nasa paligid ko. pero mas masaya ako kapag walang problema ang magulang ko at ang mahal ko na si kristel.

sobrang akong nahihirapan sa situation ko. lahat ginawa ko na para lang makita kayong masaya at ikaw na masaya. ngunit hindi ko makaya kapag na pupunta sa wala ang aking mga ginagagawang sakripisyo lalo na ang gawin kayo at ikaw na masaya sa tabi ko. wala naman akong hinihiling nakapalit, ang gusto ko lang masaya ka at maramdaman ang kalayaan sa mundo at alapaap.

hindi ko na kaya pang masaktan, sa pag distansya kong ito sana meron sana akong aral na matutunan at ang mga tao na nasa paligid ko. nawa'y dapat pahalagahan nila ang bawat segundo ng mga tao na nasa paligid nila. masakit isipin at sa pakiramdam ang lumayo at mag sakripisyo para sa mahal mo.

anong magagawa ko kung nasasaktan ako para sa inyo at iyo. walang dapat pag sisihan dahil pinili ko ang ganitong sitwasyon ang ganitong bagay na walang hanggang. kasi mahal ko kayo at ayaw ko na kayo'y masasaktan.

Sana'y maraming taong mag babago sa mga segundo na wala ako lalo na sa mga mahal ko sa buhay.

hindi naman ako mamatay, lalayo lang ako at hahanapin ko ung tamang landas na ako at kayang humarap sa inyo mga magulang ko at para sa mahal ko. hindi ko kayo iiwan. gusto ko lang lumayo dahil ayaw kong masaktan sa mga nararamdaman ko at sa pagbalik ko ay nakamit ko na ang gusto kong pangarap para maibigay at maipadama ko sa inyo ang tunay na naging aral at kalayaan ko.





//champie

Linggo, Hunyo 12, 2011

Mahiwaga sa Buhay

Ang pagtakas sa kahiwagaan ng buhay ay isang kamalian ng habang buhay mong ipapasan. takot ka bang harapin ang lahat ng responsibilidad? hindi naman mahirap ang may responsibilidad ang kulang lang ay ang pag bukas ng iyong tunay na "Puso" at "Kaisipan".

Malawak na pag tanaw sa iyong pangarap, maging sa kabihasnan ng iyong taglay.
dapat harapin ang bawat pag subok ng iyong taglay. hindi ikaw ang nag likha sa sarili mo kaya wag mong gawing sa iyo na ang buhay mo.

Takot sa alanganin sa buhay, Takot sa pag lindol ng mundo. Urong pati buntot na nasa pusod mo.

Dragged Dead

I was a simple guy

with an ordinary life

A small-time-gay dude

who likes to live a normal life

His time spent for the one he love

but he tried everything

and dragged dead.

[The End]

Sabado, Hunyo 4, 2011

Ang pagtago ng problema sa kabila ng kasiyahan,

Mapagbigay ang bawat salitang binibitawan. sa antas ng samahan ng mga magkaka saling kamay. mapagpunyagi sa bawat taas ng paningin sa sariling kahusayan. hindi maiindi ang bawat sandali ng init ng pulang tubig sa pag agos ng bawat segundong nagmamasid sa pag takwil.

kainggitan, kababuyan, at punyagi sa bawat lipunan na ng isang pirasong puso. hindi maalis sa isip ang galit na nag papairal sa isang pinarusahan ng kalungkutan sa saktong ugali ng bawat lipunan sa sandatahang walang katulad ang pagtulak sa pag udyok ay sariling gawi ang magpupunyagi.


Biyernes, Hunyo 3, 2011

Kabaliktaran ng Kabaitan

Masayang pakikipag salamuha sa mga tao na may kasamang libreng tulong. walang tanaw na sukli sa kahit anong makakaya ko. maubos man ang pinag hirapan basta't makita ko lang na nandito ang mga pinaglingkuran ko mapapawi na ang pang hihinayang.


Bawat masayang pakikisalamuha, meron kabaliktaran ang kabaitan na ibinigay mo sa kapwa. yuon ang  "abuso". Sa sobrang kabaitan ko, hindi ko na nais pang isipin na isang abuso na ang nangyayari. kasi nasa puso ko ang "Kabaitan".


Bumibitaw ako ng mga salita na walang pagdadalawang isip pa na ako'y mahirapan sa darating na oras. hindi ko na iniinda pa ang pagod at sakripisiyo lalo na ang aking dugo na unti-unting na uubus sa gabi.

Sa bagay, Karamihan sa nauunang mamatay ang mga mababait. ngunit, isa akong masamang damo. bangu-ngot ng bawat tao. "Mas Masahol pa sa malansang isda".

Ngunit, Kabaitan ang kabaliktaran ng pagiging maramot, mataas ang tingin sa sarili at higit sa lahat GALIT ang umiibabaw.