Masayang pakikipag salamuha sa mga tao na may kasamang libreng tulong. walang tanaw na sukli sa kahit anong makakaya ko. maubos man ang pinag hirapan basta't makita ko lang na nandito ang mga pinaglingkuran ko mapapawi na ang pang hihinayang.
Bawat masayang pakikisalamuha, meron kabaliktaran ang kabaitan na ibinigay mo sa kapwa. yuon ang "abuso". Sa sobrang kabaitan ko, hindi ko na nais pang isipin na isang abuso na ang nangyayari. kasi nasa puso ko ang "Kabaitan".
Bumibitaw ako ng mga salita na walang pagdadalawang isip pa na ako'y mahirapan sa darating na oras. hindi ko na iniinda pa ang pagod at sakripisiyo lalo na ang aking dugo na unti-unting na uubus sa gabi.
Sa bagay, Karamihan sa nauunang mamatay ang mga mababait. ngunit, isa akong masamang damo. bangu-ngot ng bawat tao. "Mas Masahol pa sa malansang isda".
Ngunit, Kabaitan ang kabaliktaran ng pagiging maramot, mataas ang tingin sa sarili at higit sa lahat GALIT ang umiibabaw.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento